Monday, July 28, 2008

Antuking bata 'to

Magtanong ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising.

(kaliwa) Axl - anim na taong gulang
(kanan) Annel - ???/immortal





**************

Annel: O sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?

Axl: SI HORE RISAL!!!

++

Annel: Sige nga, anong ginawa kay Jose Rizal?

Axl: BINARIL!

Annel: Saan siya binaril?

Axl: SA ‘TERESES! (rice terraces)

++

Annel: O e bakit siya binaril?

Axl: Kasi gumawa siya ng masama.

Annel: Anong masama ang ginawa niya?

Axl: Nakipaglaban siya

Annel: Kanino siya nakipaglaban?

Axl: Sa espanyol.

Annel: E sino ba yung espanyol na yon?

Axl: Yung lalaki

Annel: Sinong lalaki?

Axl: E HINDI KO NGA ALAM! HINDI NAMAN YUN TINUTURO SA'MIN EH!!!

++

Annel: Sige iba na lang. Anong pinakamataas na bundok sa Pilipinas?

Axl: bundok?

Annel: Oo, bundok. Yung pinakamataas ha…

Axl: MOUNTAIN!!!

++

Annel: Oy Axl, bakit kayo walang pasok ngayon?

Axl: Kasi may SONA

Annel: Ano ba yung ibig sabihin ng SONA?

Axl: E di may bagyo.



++


Tita Mae: Nako, nakalimutan kong bumili ng head & shoulders

Axl: para walang dandruff, mommy?

Tita Mae: Oo. Nakalimutan ko naman… (tsk tsk tsk sounds)


Annel (nakikisabat): Sige nga Axl, anu sa tagalog ang dandruff?

Axl: E di para maalis yung mga kuto kuto

Annel: -wah, kill me now-



No comments: